BO

Bob Ong

86quotes

Quotes by Bob Ong

Bob Ong's insights on:

"
Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa puwang sa tabi mo... Ganyan ang senaryo sa bus. Ganyan din sa pag-ibig... Lalong ’di mo kontrolado kung kelan siya bababa.
"
Hindi ko alam kung bakit ka namin kailangan? – sa parehong paraan na hindi rin alam ng halaman kung bakit kailangan niya ng lupa.
"
Namangha rin kami sa illustration ng female reproductive system. Korteng sungay! At doon ang pabrika ng mga bata? Whoa! Information overload!
"
Kawalan lang ito sa mga naghahanap ng makikita at mahahawakan. Ngunit para sa mga pamilyang nasa puso ang pagdiriwang – katulad ng pamilya ng Batang dahilan ng pagdiriwang – sapat nang kasiyahan ang pasasalamat at dasal.
"
Paano kaya kung naging guro mo rin ang naging guro ng labindalawang disipulo sa Bible?
"
Nais kong magtaguyod ng pamilyang alam ang pagkakaiba ng sapat at sobra, at kung alin ang para sa amin at alin ang nararapat nang ibahagi sa iba.
"
Sino nga ba ang learning disabled, ‘yung mga hirap mag-aral o ’yun mga walang natutunan? Ano ang pinagkaiba ng out-of-school youth na shoplifter at Harvard-graduate na corrupt government official bukod sa mas mayaman ’yung pangalawa?
"
Hindi ka maaaring hindi magmahal kahit pa mapasa iyo lahat. Maaari kang maging pinakamayamang tao sa mundo, pinakamatalino, pinakamakapangyarihan, at walang pangarap na hindi kayang kunin o abutin pero kung hindi ka marunong magmahal, sino ka?
"
Nalapa na ng komersyalismo ang sining. Kaya utot na lang nito ang nilalanghap natin ngayon.
"
Sino nga ba ang misteryoso: Ang taong alam mo na ang talambuhay at takbo ng isip pero hindi ang pangalan, o ang taong alam mo ang mukha, tirahan, edad, at pangalan pero bukod doon e wala nang iba?
Showing 1 to 10 of 86 results